-- Advertisements --

Sinibak ng United Nations Relief and Works Agency (UNWRA) ang ilang empleyado nila sa Gaza dahil sa pakikipagsabwatan sa Hamas noong isinagawa ang atake sa Israel sa ika-7 ng Oktubre 2023.

Ayon kay nited Nations Relief and Works Agency (UNWRA) Commissioner-General Philippe Lazzarini na nagbigay ng mabigat na ebidensiya ang Israel ukol sa ilang empleyado nila.

Tiniyak nito na magsasagawa sila ng imbestigasyon at ang mapapatunayang sangkot ay kanilang pananagutin.

Lumabas ang impormasyon ilang oras matapos na payuhan ng UN international criminal court ang Israel na iwasan ang genocide sa pag-atake nila sa Gaza.