-- Advertisements --

Puspusan ang ginagawang kampanya ng ilang Ukrainian sports icon na ‘wag kakalimutan ang kanilang bansa dahil nasa gitna pa rin sila ng giyera.

Kabilang sa nangunguna sa pagkilos ay ang Ukrainian soccer icon na si Andriy Shevchenko na rati ring team captain at national team manager.

Katuwang ni Andriy ang tennis star na si Elina Svitolina.

And dalawa ay una nang itinalaga na mga ambassadors sa ilalim ng UNITED24, isang organisasyon na itinayo ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Kabilang sa trabaho ng grupo ay kumalap ng mga donasyon para makatulong sa war effort ng Ukraine.

Ang naturang inisyatiba ay nakalikom na ng pondo na umaabot $166 million.

Meron pang ibang mga programa ang ilulunsad upang makalikom pa ng mga donasyon.

Nagpaliwanag naman ang dating soccer star ng Ukraine, na nais nilang palawakin pa ang awareness lalo na sa krisis na idinudulot ng giyera.

Kaya naman kailangan nila ang pondo para sa humanitarian at medical aid na siyang labis na kulang sa panahon ngayon.