-- Advertisements --

Posibleng magkakaroon muli ng bigtime rollback sa presyo diesel sa susunod na lingo.

Ito ay batay sa resulta ng apat na araw ng trading sa global oil market.

Sa initial forecast, maaaring magkaroon ng rollback na P6 hanggang P8 ang kada litro ng diesel.

Kabaliktaran naman sa gasolina na posibleng tataas ng P1 hanggang P4 kada litro.

Kung babalikan ang adjustment na ipinatupad nitong Martes, May 6, tumaas ng P2.21 ang gasolina habang P2.66 naman ang itinaas ng diesel.

Tanging ang kerosene ang nagkaroon ng rollback na umabot sa P3.53 ngunit sa ngayon ay hindi pa malinaw ang muling paggalaw ng presyo ng kerosene. (Report by Bombo Jai)