Kinumpirma ng National Amnesty Commission na hanggang sa ngayon ay hinihintay pa rin nila ang magiging proklamasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pagbibigay ng amnestiya sa lahat ng mga rebeldeng nagbalik loob sa gobyerno.
Sa isang pahayag, sinabi ni National Amnesty Commission Executive Director Atty. Maria Victoria Cardona, hanggang sa ngayon ay hindi na nila batid kung kelan ilalabas ng punong ehekutibo ang proklamasyon para sa sumukong rebelysa sa bansa.
Paliwanag pa nito na nakikipag coordinate na ang kanilang tanggapan sa Opisina ng Pangulo at sa Justice Department upang mapabilis ng naturang amnestiya. \
Punto ni Cardon, kaya hindi pa nasisimulan ang mga application process ng mga ito ay dahil na rin sa hinihintay na proklamasyon ng presidente.
Hiling rin nitop na sana ay mapabilang sa mabibigyan ng amnestiya ang mga dating makakaliwang grupo mula sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front o CPP-NPA-NDF.
Ang amnestiya ay ibinibigay ng pamahalaan sa mga sumukong rebelde sa Pilipinas.
Ito ay pagbibigay ng kapatawaran sa mga nagawang kasalanan ng partikular na mga rebelde at sa kanilang ginawang panggugulo sa bansa.