-- Advertisements --

Kinontra nina Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa at Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang planong pagdulog sa Supreme Court (SC) para kuwestiyunin ng Senado ang kapangyarihan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon kay Dela Rosa, hindi niya susuportahan ang hakbang ng ilang kasamahan na kwestiyunin sa korte ang ginawang pagbasura ng pangulo sa VFA sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Iginiit ni Dela Rosa naniniwala siya na ang may kapanyarihan na ibasura ang VFA o ang anumang treaty na pinasok ng Pilipinas ay tanging pangulo lamang .

Aniya, hindi na kailangan pa ng concurrence ng Senado para sa pagbasura o pag-atras sa anumang deal.

Sa panig naman ni Pimentel, hindi niya masusuportahan ang plano ng ilang senador, dahil hindi pa niya nababasa ang naturang petisyon na naglalayon na kwestiyunin ang naging hakbang ng pangulo