-- Advertisements --
image 502

Nakakalusot pa rin ang ilang scammer sa kabila ng mga registered SIM-cards ayon yan sa Philippine National Police- Anti Cybercrime Group.

Ilang spam text message pa rin ang natatanggap ng publiko kahit pa tapos na ang naturang rehistrasyon.

Pero sa kabila nito, iniulat ng PNP-ACG na isang buwan simula nang matapos ang deadline ng registration ay bumaba ang bilang ng SIM card-aided crimes.

Batay sa datos ng Anti Cybercrime Group, mula 2,318 SIM card-aided crimes noong June 24 hanggang July 24 ng kasalukuyang taon, bumaba ang bilang hanggang 1,134 simula sa July 25 hanggang August 23, 2023.

Nakikipagtulongan naman na ngayon ang naturang cybercrime group sa mga Telco companies para tuloyan nang masugpo ang mga scam messages.