Nabahala ang ilang residente ng Lobo, Batangas sa lumalalang isyu ng mga ilegal na aktibidad sa naturang bayan.
Ayon sa ulat na natanggap kamakailan lamang ni Efren Ramirez, residente sa naturang bayan, na inaresto ng mga awtoridad ang isang dating konsehal sa bayan ng Lobo dahil sa pag-operate ng isang gambling den ng mahjong kasama ang 15 pang katao.
Kasunod nito ay may inaresto pa na 21 katao na sangkot naman sa jueteng. Ang mga ito ay nagpapakita ng tahasang kawalan ng disiplina at paggalang sa batas, lalo na mula sa mga dapat na tinitingalang mga lider ng komunidad.
Ganunpaman, ikinalugod naman nila ang maagap na pagtugon ng ng mga kapulisan sa pagsugpo ng ilegal na sugal sa bayan ng Lobo.
Pinasalamatan din nila ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) upang agarang sugpuin ang ilegal na jueteng sa bayan.
Sa huli, nanawagan ang mga residente sa lokal na pamahalaan na bigyang pokus ang kaligtasan at kaayusan ng bayan ng Lobo.
Hindi anila sila titigil na kalampagin ang lokal na pamahalaan, pulisya, at mga komunidad para masugpo ang paglaganap ng kriminalidad lalo na ang ilegal na sugal sa komunidad.