Lumagda sa isang petisyon ang ilang progresibong grupo laban sa panukalang pagbuhay ng mandatoryong Reserved Officers Training Corps (ROTC) program para sa mga mag-aaral sa Grade 11 at 12.
Ilan sa mga dahilan ng mariing pagtutol ng mga grupong ito sa ROTC program ay dahil ito ay karagdagan lamang aniyang gastos at maaksaya lamang ang kaban ng bayan, karagdagng pasanin sa mga mag-aaral, karahasan at korupsyon, fake nationalism, banta sa academic freedom at paglabag sa domestic at international laws at conventions.
Sa naturang petisyon, umapela ang mga ito sa gobyerno na gumawa ng aksyon para resolbahin ang mga tunay na hinaing ng mga estudyante gaya ng pagpapataas ng pondo para sa edukasyon at retrofitting ng mga paaralan tungo sa ligtas na pagbabalik ng mga klase.
Sa panig ng Kabataan party-list partikular ni Representative Raoul Manuel, maaari namang i-tap ng pamahalaan ang mga nakakumpleto na ng National Service Training Program (NSTP) para sa disasater response alinsunod sa batas.
Sa halip inirekomeda nito ang pagpapalawig ng NSTP law.
Magugunita na isa sa mga priority measures ng Marcos admisnitration ang panukalang mandatory ROTC program na layong mahikayat, mahasa, maisaayos at mamobilize ang mga estudyante para sa national defense preparednmess kabilang ang disaster preparedness at capacity building para sa risk-related situations.
-- Advertisements --