-- Advertisements --

Nagdeklara na ng state of emergency ang probinisya ng Nova Scotia sa Canada dahil sa wildfire.

Maraming mga kabahayan at gusali ang nasira sa nasabing wildfire kung saan pinalikas na ang mga residente doon.

Nagdulot din ng malawakang kawalan ng suplay ng kuryente sa nasabing lugar.

Una ng nagdeklara ng local na state of emergency ang Halifax City dahil sa naranasang wildfire.

Ang nasabing state of emergency ay posibleng tumagal ng ilang linggo.

Ilang hektarya na rin ng lupain ang nasunog na nagsimula noong Sabado.