-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Pinag-aaralan na ngayon ng South Cotabato PNP ang koneksyon ng ilang politiko sa probinsya kaugnay sa mga nangyayaring patayan sa lugar.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Police Colonel Joel Limson, Police Provincial Director ng South Cotabato PNP, may hawak na silang mga suspek na mga miyembro umano ng mga gun for hire group na nasampahan na rin ng mga kaso.

Dagdag pa nito, maraming impormasyon silang natatanggap na utak ng mga nasabing krimen ay ang ilan umanong mga political figures na nagbabayad ng mga gun for hire group upang pumatay ng mga may atraso sa kanila.

Nagdulot na ng alarma sa probinsya ang mga serye ng pagpatay gaya ng pagpaslang sa dating Brgy. Topland kapitan na si Baltazar Bermil at ang pinakahuli ay ang pagpatay sa isang campaign leader na si Mario Fuentes at marami pang iba.