-- Advertisements --
Pinawi ni dating 2-division world boxing champion Gerry Penalosa ang pangamba ng ilan na baka maputol na ang Pilipinas sa mapa ng boxing dahil sa pagreretiro ni Pinoy ring icon Sen. Manny Pacquiao.
Ayon kay Penalosa sa panayam ng Bombo Radyo, mas madali nang sumikat ngayon ang mga Filipino boxers dahil sa nalikhang popularidad ng fighting senator.
Marami na rin umanong bagong boksingero ang gumagawa ng pangalan sa ibang bansa, kagaya na lamang nina Jerwin Ancajas, John Riel Casimero at marami pang iba.
Nangako rin daw si Pacquiao na tutulungan nito ang mga bagong sibol na boksingero.