-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Excited na ang ilang Pilipino sa Qatar para sa gaganaping FIFA World Cup sa darating na Nobyembre.

Ayon kan Bombo International Correspondent Evangeline Fabro, pinag-ipunan pa ng ilang Pinoy ang pambili ng ticket upang personal na masaksihan ang pagtatagisan ng higit sa 30 mga koponan mula sa iba’t ibang bansa.

Aniya, masaya na sila kahit pa sa likurang bahagi na ng stadium ang nabiling ticket na nagkakahalaga ng 280 riyals o katumbas ng higit P4,000.

Paliwanag nito na umaabot kasi ng higit 10,000 riyals ang presyuhan ng upuan sa unahang bahagi ng stadium.

Dagdag pa ni Fabro na minsan lamang mangyari ang ganitong mga sporting events sa bansa kaya nais nilang maging bahagi nito.

Samantala, siniguro naman umano ng mga Qatar authorities na hindi mangyayari ang stadium stampede sa Indonesia dahil mahigpit na ipinapatupad ang seguridad sa bansa.