Sa isang pahayag, itinigil ang operasyon ng Laoag International Airport dahil sa masamang kondisyon ng panahon habang ang Vigan Airport ay bahagyang napinsala dahil sa malakas na ulan at malakas na hangin.
Binaha naman ang rampa ng Lingayen Airport dahil sa malakas na buhos ng ulan habang naiulat naman ang masamang lagay ng panahon malapit sa lugar ng Tuguegarao Airport.
Nahinto rin ang operasyon ng Baguio Airport, Rosales Airport, at San Fernando Tower Facility, Basco Airport, Cauayan Airport, at Palanan Airport, Iba Airport dahil sa masamang kondisyon ng panahon.
Kaugnay niyan, nasa 155 na pasahero ang naapektuhan matapos kanselahin ang San Jose-Manila-San Jose travel.
Pinaalalahanan ng CAAP ang mga pasahero na unahin ang kanilang kaligtasan at makipagtulungan sa mga awtoridad sa paliparan at airline sa mga ganitong lagay ng panahon.
Sa ngayon, ang mga tauhan ng CAAP Area Center at mga tagapamahala ng paliparan ay mahigpit na sinusubaybayan ang sitwasyon at nakaantabay sa anumang epekto ng bagyong Egay.