Itinanggi ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang ulat tungkol sa ilang ospital na nagsasara na raw dahil sa delayed na pagbabayad ng ahensya sa claims ng mga pasyente.

Sa isang statement, sinabi ng PhilHealth na umabot na sa P52.53-bilyon ang halaga ng kanilang disbursement ngayong taon.

“PhilHealth categorically denies as unfounded, malicious and irresponsible the statement made by Dr. Rustico Jimenez that 300 or so private hospitals are facing closure due to delayed payments by PhilHealth,” nakasaad sa nasabing pahayag.

Mula sa nasabing total na disbursement, P38.6-bilyon daw ang ibinayad ng state health insurance corporation para sa claims. Kasama na raw dito ang P4.74-bilyong “return to hospital” claims.

May P13.93-bilyon din daw na halaga ng reimbursements na binayaran ang PhilHealth sa ilalim ng interim reimbursement mechanism.

Katunayan, higit pa sa kalahati ng kabuuang disbursement para sa claims, na nagkakahalaga ng P21.8-bilyon ang ibinayad ng PhilHealth sa mga pribadong pasilidad.

“PhilHealth does not recognize Dr. Jimenez as a legitimate representative of any hospital association because of his historical pattern of wild and unfounded accusations.”

Kamakailan nang sabihin ni Jimenez, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) na ilang ospital na ang nasa bingit ng pagsasara dahil delayed ang pagbabayad ng PhilHealth.

“PhilHealth has never issued a ‘promise’ of IRM release to all hospitals. This was a misinterpretation of Dr. Jimenez,” depensa ng kompanya.