Pinagbabakasyon muna ng Department of Agriculture ang ilang opisyal ng National Food Authority.
Ito ay may kinalaman pa rin sa isinasagawang iniimbestigahan hinggil sa kontrobersyal na bentahan ng bigas kamakailan.
Ito ay kinumpirma mismo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Ayon sa kalihim , ang mga ito ay naka leave of absence pansamantala habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat.
Paliwanag ni Laurel Jr. na ito ay upang mabigyan ng free-hand ang binuong panel of investigators na gawin ang kanilang mandatong trabaho.
Inaasahan rin ng DA na matatapos at lalabas sa lalong madaling panahon ang resulta ng isinasagawang internal investigation .
Kung maaalala, isang NFA official ang nagbunyag sa ilang executives ng ahensya ng hindi wastong pagbenta ng naturang bigas mula sa NFA ng walang kaukulang bidding at sa presyong di umano’y naagrabyado ang gobyerno.
Pinabulaanan naman ito ng mga NFA executives at tiniyak na nasusunod ang procedures sa bentahan.
Ipinag-utos na rin noon ni Secretary Tiu Laurel ang malalimang imbestigasyon, nang mabunyag ang libo-libong tonelada ng NFA rice na ibinebenta sa mga rice trader dito sa bansa at saka naman napupunta sa mga merkado.
Sinabi pa ng nagbunyag na indibwial na bukod sa walang bidding, ito ay ibinebenta lamang ang sa ₱23.00 kada kilo na mas mababa sa ₱25.00 kada kilo na binili ng NFA. (With reports from Bombo Victor Llantino)