Hindi sang-ayon ang mga negosyante sa panukalang pagtanggal na ng purchase booklets ng mga senior citizen.
Sinabi ni Richard Binos ang Healthcare and Policy Associate Pharmaceutical and Health Care Association of the Philippines, na kapag tinanggal na ang purchase booklet ay hindi nila mamomonitor kung ilang gamot na ang nabili ng mga senior citizen.
Panukala nito na dapat maglagay na lamang ng QR Code sa mga senior citizen ID para ito ay kanilang mamonitor.
Ayon naman kay Carlos Cabochan, Pangulo ng Philippine Consumer Centric Traders Association, na hindi malalaman na nasagad na ang diskuwento na ibinibigay.
Sa panig naman ni Steven Cua ang pangulo ng Philippine Amalgamated supermarkets Association, na may limit silang ibinibigay at ang mga discounts aniya ay ibinabawas din sa mga negosyante na maaaring ito ay maabuso.