Ilang milyong residente ng Texas, Mexico at bahagi ng Great Lakes region ang umaasang magkaroon ng maaliwalas na kalangitan para makita nila ang total solar eclipse.
Base kasi sa pagtaya ng panahon ay makakaranas sila ng maulap na papawarin na siyang magiging sagabal sa mga nais makita ang total solar eclipse.
Magkakaroon naman ng magandang lagay ng panahon sa western Mexico at bahagi ng US Midwest ganun din sa New England at Canada.
Ang total solar eclipse na unang makikita sa kontinente mula noong 2017 ay unang masisilayan sa west coast ng Mexico.
Ang mga lugar naman kung saan sasakupin ng buo ng buwan ang araw ay makakaranas sila ng madilim na kapaligiran sa loob ng apat at kalahating minuto.
Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) na mayroong 31.6 milyon katao ang inaasahang makakaranas ng tinatawag na “path of totality” o ang pagtakip ng buwan sa araw at may ilang milyon din ang nakatakdang bumiyahe sa nasabing mga lugar para makita ang nasabing celestial event.
Naglagay naman ng mga tents at ilang katao sa Starry Night RV park sa Fort Worth, Texas para makita ang eclipse.
Kinakailangan umano ng special glasses para makita ang total solar eclipse.