-- Advertisements --
350499959 572792764939725 6538819772887129782 n

Iniulat ng public information officer ng probinsiya na na-stranded ang ilang mga turista sa lalawigan ng Batanes dahil na rin sa malakas na hanging dulot ng bagyong Betty.

Ayon Batanes Emergency Operation Center’s Justinne Jerico Socito, na-account ang lahat ng mga turista at sinisiguro din ng pamahalaang panlalawigan na makakatanggap ng kaukulang tulong ang mga na-stranded na mga turista.

Iniulat din ng local official na inaasahang makakaranas ng malakas na hangin at maulap na kalangitan ang lalawigan ng batanes.

Ipinatupad na rin ang no sailing policy sa batanes dahil ang ilang parte ng probinsiya ay nakakaranas ng nasa lima hanggang pitong metro ng mga alon.

Nakahanda naman aniya ang nasa 22 evacuation centers sa kanilang lalawigan para sa mga ililikas na mga evacuee.

Nakapreposition na rin ang nasa mahigit 6,000 family food packs at inaasahang karagdagang 6,000 food packs pa ang darating mula sa DSWD.

Top