-- Advertisements --
Nagsagawa ng malawakang paglikas ang ilang statehouses sa US matapos na makatanggap ng bomb threat.
Ilan sa mga nakatanggap ng bomb threats ay sa state capitols ng Connecticut, Georgia, Kentucky, Michigan, Mississippi at Montana.
Mabilis na nagresponde ang mga kapulisan sa lugar subalit walang anumang nakitang bomba sa lugar.
Naniniwala ang mga otoridad na isa lamang ito ng uri ng pananakot.
Sinabi ni Kentucky Governor Andy Beshear na walang anumang nasaktan at inaalam na ng kaniyang kapulisan kung sino ang nasa likod ng nasabing pananakot.
Dahil sa insidente ay pansamatnalang isinara ang ilang mga state houses.