-- Advertisements --

Maraming mga siklista na walang suot na helmet ang nasita na ng city government ng Quezon.

Ito ay matapos na sinimulan na ng Quezon City ang pagpapatupad ng bagong ordinansa na nagpapataw ng multa sa mga walang suot na kaukulang safety helmets.

Sa unang paglabag ay pagmumultahin ng P300 sa unang offense, P500 sa ikalawa at P1,000 sa third offense.

Mabibigyan ng hanggang limang araw ang mga violators para bayaran ang at kapag bigo sila haharap sila public prosecutor’s office.

Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay namahagi ang city government ng Quezon ng mga helmet para matiyak ang kaligtasan ng mga siklista at sila ay susunod sa ordinansa.