Mariing itinanggi ng mga opisyal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang kumakalat na tsismis na umalis patungong Singapore si dating House Speaker at kasalukuyang Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, walang naitalang anumang pagtatangkang umalis si Romualdez mula sa bansa.
Dagdag pa ng isang intelligence official, agad nilang malalaman kung may pag-alis na naganap, lalo na sa mga tinatawag na special flights.
Una nang hiniling ng dating House leader sa kasalukuyang pamunuan na makabyahe siya patungong Singapore para sa pending check-up.
At dahil ito ay health concern at wala namang sesyon ay pinayagan na ito ni Speaker Bojie Dy.
Gayunman, dahil sa mga panibagong development marami ang nagnanais na mapanatili muna sa bansa si Romualdez upang matiyak na makakaharap ito sa mga pagpapatawag ng Ombudsman at korte kung uusad na ang kaniyang kaso.
















