-- Advertisements --

Naging kuntento ang ilang mga senador sa naging unang State of the Nation Addreess ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Sen. Raffy Tulfo, na natuwa siyaa ng banggitin ang pagpapahalaga sa mga OFW dahil bago pa man ito pumasok sa pulitika ay ito na ang unang nais niyang tugunan ang mga problema ng mga OFW.

Sa panig naman ni Senator Grace Poe, na maganda ang pagtutok ni Pangulong Marcos sa ekonomiya dahil ibihagi nito ang magiging solusyon para sa pag-unlad ng bansa.

Sinabi naman ni Senator Bong Go na natutuwa ito dahil sa nakatutok ang pangulo sa pagpapahalaga ng kalusugan ng bansa.
Ilan kasi sa mga panukalang batas na inihain nito sa Senado ay ang pagpapahalaga ng kalusugan ng bansa.

Ikinatuwa naman ni Senator Ronald ‘bato’ Dela Rosa dahil pagtitiyak ng pangulo na hindi niya hahayaan na masakop ang bansa at ang pagbabalik ng ROTC