-- Advertisements --
image 20

Pinili muna ng ilang mga sasakyang pandagat sa Southern Tagalog na hindi bumiyahe dahil na rin sa matataas na alon na dulot ng hanging Habagat.

Kinabibilangan ng limang mga banka at tatlong mga malalaking vessel ang hindi na tumuloy sa mga nakatakdang biyahe.

Kasalukuyang nananatili ang mga ito sa mga pier ng Jomalig, Real at Dinahican na pawang nasa Quezon Province at Looc Port sa Occidental Mindoro.

Agad ding bibiyahe ang mga nasabing vessel kapag naging maayos na ang kalagayan ng mga karagatan at humupa ang mga malalakas na paghangin at pag-ulan.

Sa kasalukuyan, nakataas ang gale warning sa mga karagatang nakakasakop sa mga pantalan kung saan pansamantalang naka-istasyon ang mga naturang vessel.

Humigit kumulang 200 mga pasahero naman ang apektado sa mga kanseladong biyahe.