-- Advertisements --
Itinuturing ng mga negosyante sa bansa na may malaking tulong sa ekonomiya ang Republic Act 11592 o ang panukalang batas na nagreregulate ng liquefied petroleum gas industry.
Ayon kay dating LPGMA party-list representative Arnel Ty na ang nasabing panukalang batas ay magbibigay ng daan para mapataas ang tiwala at proteksyon sa mga investors ganun din sa mga maliliit na negosyante.
Dahil aniya dito ay natitiyak ng Department of Energy ang pagkakaroon ng organisado at pantay na business environment para sa mga lehitimong negosyante.