-- Advertisements --

Dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng United Kingdoma ang isinagawang service of thanksgiving para kay Queen Elizabeth II sa St. Giles’ Cathedral.

Kabilang dito ang bagong talagang British Prime Minister Liz Truss at Scotland First Minister Nicola Sturgeon, ganun din ang mga council officials, members of the armed forces, war veterans, judiciary at mga consular officials.

Nasa listahan din na dumalo ang ilang mga representatives ng mga iba’t-ibang Scottish charities na sinusuportahan ng reyna noong buhay pa.

Kasama rin sa dumalo ang ilang tao na nasa arts, sports, emergency services at faith groups.

Inilagay din sa ibabaw ng kabaong ang crown of Scotland habang nasa St. Giles’ Cathedral sa Edignburgh ang nasabing bangkay.

Gawa sa Scottish gold na mayroong 22 gemstones at Scottish freshwater pearls na inilagay mismo ni Alexander Douglas-Hamilton ang 16th Duke of Hamilton at nananatili ang korona hanggang maraming mga Scots ang magbibigay ng respeto sa namayapang monarch queen.

Matapos ang ilang seremonya ay umalis na ang Royal Family sa cathdral na pinangunahan ni King Charles III.