-- Advertisements --
Mayroong anim na mga manufacturers ng mga pangunahing bilihin ang umatras na sa paghirit ng taas presyo.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Consumer Protection and Advocacy Bureau director Marcus Valdez II , na pinulong nila ng mga manufacturers kaya nakakatiyak na walang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin hanggang sa katapusan ng tao.
Kinabibilangan ito ng mga manufacturers ng bottled water, kandila, condiments, tinapay at mga sabon.
Nakatakda rin silang makipagpulong sa mga manufacturers ng mga delatang sardinas at kanilang iaapela na kung maari ay huwag na munang magpatupad ng taas presyo.