-- Advertisements --

Nagbigay ng suporta ang US, Canada at Mexico sa bansang Brazil.

Kasunod ito sa paglusob ng mga protesters sa kongreso at maging sa presidential palace.

Sa inilabas na pahayag ng tatlong bansa, isinalarawan nila ang pangyayari bilang pag-atake sa demokrasya ng Brazil.

Sinabi nina US President Joe Biden, Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador at Canadian Prime Minister Justin Trudeau na kanilang suportado ang Brazil na siyang nagtatanggol ng demokrasya.

Magugunitang ilang libong protesters ang lumusob sa gusali ng kongreso, ganun ang presidential palace at korte suprema dahil sa hindi umano nila matanggap ang pagkatalo ni dating President Jair Bolsonario kay Luiz Inacio Lula da Silva.

Itinanggi naman ni Bolsonario na siya ang nag-utos sa nasabing insidente.