Sinuspinde na kaninang umaga ang klase sa lahat ng antas ng mga pribado at pampublikong paaralan sa siyam na LGU sa Albay.
Ito ay bahagi pa rin ng paghahanda ng naturang probinysa sa posibleng epekto ng LPA na nasa labas ng bansa.
Kinabibilangan ito ng mga sumusunod: lungsod ng Legazpi, Ligao, Camalig, Daraga, Guinobatan, Sto Domingo, Polangui, at Oas.
Maliban sa mga naturang LGU, posibleng susunod na rin dito ang iba pang mga bayan, alinsunod na rin sa paunang abiso ng Local Disaster Risk Reduction Council.
Sa kasalukuyan, naglabas na rin ng abiso ang konseho at pinapayuhan ang publiko na obserbahan ang posibleng pagguho ng lupa, malalakas na pag-ulan, at mga pagbaha.
Sa pinakahuling impormasyon mula sa Bombo Radyo Phils Weather Center, ang LPA na unang naging ganap na bagyo kahapon ng tanghali ay humina at bumalik sa pagiging LPA.
Gayonpaman, posible ang mga pag-ulan na dulot nito na maaaring magdulot ng mga pagbaha sa ilang lugar sa bansa.