Tumanggi na umano ang ilang mga guro sa Abra na magsilbi sa nalalapit na BSKE 2023 dahil sa kanilang pangamba sa kanilang seguridad.
Dahil dito, kinakailangan nang mga pulis ang umasiste at maging kapalit ng mga guro na umatras na mag-duty sa ibat ibang mga presinto.
Bagaman hindi pa malinaw kung ilang guro ang umatras, umaabot umano sa 55 na mga pulis ang inisyal na kailangan upang papalit sa mga guro.
ANg mga ito ay idedeploy sa ibat ibang mga lugar na kinabibilangan ng 23 sa Bucay, 9 sa Bangued, 6 sa Lingaling, 3 sa Lagayan, at 14 sa Pilar.
Maliban dito, mayroon ding naka-sandby na 36 na pulis na nakahandang magsilbi anumang oras.
Ayon kay PRO-Cordillera Director Police Brig. Gen. David K. Peredo Jr., tutulungan din sila ng kasundaluhan upang matiyak ang kapayapaan sa naturang probinsya.
Bagaman sa mga nakalipas na taon ay laging nasa ilalim ng COMELEC control ang probinsya ng Abra, sa kasalukuyan ay hindi pa umano kinakailangan na ilagay ito sa naturnag kategorya, dahil sapat pa rin ang presensya ng kapulisan.
Maalalang ilang araw ang nakakalipas ay pinagbabaril ang isang kandidato mula sa bayan ng Bucay. Ayon kay COMELEC Chair Garcia, sunod-sunod na rin ang natatanggap nitong mga isyu may kaugnayan sa nalalapit na halalan.
Sa kasalukuyan, umabot na rin sa 122 ang bilang ng mga indibidwal na unang naghain ng kanilang kandidatura ngunit tuluyang umatras, bago pa man nagsimula ang pangangampanya.