-- Advertisements --
image 129

Nag-aagawan ngayon bilang top rebounder sa FIBA Basketball World Cup 2023 ang ilang mga big men na patuloy na naglalaro sa pinakamalaking basketball tournament sa buong mundo.

Kinabibilangan ito nina dating Atlanta Hawks player at Cape Verde Center Edy Tavares, Japan Forward Joshua Hawkinson, Serbian Center Nikola Milutinov, at Lithuanian at Pelicans Power forward Jonas Valencuinas bilang top three.

Kapwa nagtala sina Milutinov at Valenciunas ng 48 rebounds, 54 kay Hawkinson habang 62 rebounds para kay Tavares.

Samantala, sunod naman sa kanila ang iba pang mga players na una nang natanggal sa mga naunang elimination round, kinbibilangan ito nina Nikola Vucevic ng Montenegro, Nicolo Melli ng Italy, at Team Philippines power forward/center AJ Edu.

Magpapatuloy naman ang tracking na ginagawa ng FIBA hanggang sa Finals, kung saan ilalabas ang resulta nito sa pagtatapos ng FIBA 2023.