-- Advertisements --

Kinansela ng Major League Baseball ang mga laro sa New York dahil sa nararanasang makapal na usok mula sa wildfire sa Canada.

Inilipat na sa ibang araw ang laro sa pagitan ng New York Yankees sat Chicago White Sox sa Yankee Stadium.

Kanselado rin ang isa pang laro sa pagitan ng Philadelphia Phillies at the Detroit Tigers na gaganapin Philadelphia Area.

Natuloy naman ang laro sa pagitan ng Arizona Diamondbacks at Washington Nationals sa Washington DC.

Pinayuhan ng mga otoridad sa New York ang mga mamamayan na huwag ng lumabas sa kanilang bahay para hindi sila makalanghap ng makapal na usok.