-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Nananatiling lubog sa baha ang ilang mga barangay, lalong lalo na sa mga low-lying areas, at pangunahing kakalsadahan sa lungsod ng Dagupan bunsod ng tuloy-tuloy at malalakas na mga pag-uulan na dala ng Bagyong Egay, kung saan ay umaabot na hanggang sa tuhod ang karamihan sa tubig-baha.

Kaya naman ay tulong-tulong ang mga kawani ng pamahalaang panlungsod ng Dagupan kasama ang City Mayor’s Office Staff, Dagupan City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Social Welfare and Development Office, Human Resources and General Services Office, Dagupan City Police Station, at ang Bureau of Fire Protection-Dagupan City, sa pagsasagawa ng relief operations sa mga higit na naapektuhan ng Bagyong Egay.

Sa ngayon ang mga lugar na naabutan na ng tulong ay ang mga lugar ng Brgy. Tambac, Brgy. Herrero-Perez, Brgy. Mayombo, at Brgy. Tapuac.

Tuloy-tuloy din ang isinasagawang pag-iikot sa lungsod para mabigyan ng tulong ang iba pang mga naapektuhan ng bagyo.

Naglabas na rin ang lungsod ng Dagupan ng class suspension sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong mga paaralan at maging ng work suspension sa mga government employees maliban sa mga frontliners na nakatalaga sa health, safety at emergency operations dahil ito sa dalang epekto ng bagyo.