-- Advertisements --

Inilikas na ilang mga bansa ang kanilagn mga diplomats at mga mamamayan dahil sa patuloy na kaguluhang nagaganap sa Sudan.

Inanunsiyo ng US at United Kingdom na kanilang pinalikas na ang kanilang diplomats palabas sa Sudan.

Habang inaayos na ng mga bansang Italy, Belgium, Turkey, Japan at the Netherlands ang evacuations.

Una rito ay binatikos ang France dahil papaalis na sana sila sa embahada subalit kinailangan nilang bumalik pa.

Magugunitang nagpapatuloy pa rin ang labanan sa pagitan ng sundalo ng Sudan at paramilitary force na Rapid Support Forces (RSF) na ikinasawi na ng ilang daang katao.