-- Advertisements --

Sinimulan na ng mga bansa sa Europa ang paglilikas ng kanilang mamamayan na nasa Niger dahil sa nararanasang kudeta.

Ilan sa mga nagsimula ng magpalikas ng kanilang mamayaan ay ang bansa France, Germany, Italy at Spain.

Magugunitang pinatalsik sa puwesto si President Mohamed Bazoum ng kaniyang mga presidential guard.

Nag-alok ang mga gobyerno ng nasabing European countries ng libreng masasakyan para tuluyang makalabas sa bansang Niger.