-- Advertisements --

Nagpahayag ng mariing pagtutol ang China sa desisyon ng Pilipinas at Japan na simulan ang maritime border negotiations.

Ayon kay Foreign Ministry spokeswoman Mao Ning, idinideklara ng China ang “delimitation negotiations” sa pagitan ng Japan at Pilipinas bilang iligal at walang bisa.

Iginiit din ng China ang kanilang exclusive economic zone at continental shelf sa mga katubigan sa silangan ng Taiwan.

Sinabi rin ng Chinese official na naghain ng “solemn reprensentations” ang Chna sa dalawang bansa.

Ginawa ng China ang pahayag matapos ianunsiyo ng Japan at Pilipinas noong Huwebes na sisimulan na ang pormal na pag-uusap para tukuyin ang maritime boundary ng isang economic zone at continental shelf.

Ito ay kasabay ng pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Japanese Prime Minister Sanae Takaichi sa kaniyang state visit sa Tokyo.