May ilang mga events na isasagawa ang National Aeronautics and Space Administration (NASA) sa mga pagtitipon ng mga tao lalo na sa mga lugar kung saan masasaksihan ng malinaw ang total solar eclipse sa Mazatlan, Mexico at Cotton Bowl Stadium sa Dallas maging sa Indianapolis Motor Speedway sa Indiana.
Mapupuno rin ang tao sa football stadium sa Carbondale, Illinois kung saan tatahakin din ng eclipse ang tinahak na daan ng 2017 eclipse sa ilang bahagi ng US.
Ilan sa mga aktibidad din ang nakatkadang pag-iisang dibdib ng nasa 300 na indibidwal sa isang mass wedding habang nag-skydiving sa Russelville, Arkansas.
Inaasahan naman ng mga otoridad sa Niagara Falls, Canada ang pagdami ng mga tao para masaksihan ang eclipse.
Nagbabala naman ang US National Weather Service (NWS) na magkakaroon ng sama ng panahon na may dalang malakas na pag-ulan, tornados at hail storm sa ilang bahagi ng Texas at kalapit na lugar.
Sasamantalahin naman ng ilang scientist ang eclipse kung saan magsasagawa sila ng experiments, maglulunsad ng rockets, mag-obserba ng kalagayan ng mga hayop at pag-aralan ang elusive corona ng araw.