-- Advertisements --
Umiiral pa rin ang tropical cyclone wind signal number one sa western portion ng Ilocos Norte (Badoc, Pinili, Currimao, Batac City, Paoay, San Nicolas, Laoag City, Pasuquin, Bacarra at Burgos); pati na sa western portion ng Ilocos Sur (Magsingal, Santo Domingo, San Ildefonso, San Vicente, San Juan, Cabugao, Sinait at Santa Catalina).
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 210 km sa kanluran ng Laoag City, Ilocos Norte.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 20 kph.
Samantala, hanging habagat naman ang nakakaapekto sa iba pang parte ng ating bansa.