Nag-abiso ang Maynilad na makakaranas ng water interruption ang ilang mga lugar sa Metro Manila sa loob ng 18 hanggang 36 na oras sa araw ng Biyernes hanggang Sabado, July 16.
Ito ay dahil sa ginagawang pagkumpuni sa nasirang tubo o water pipeline ng Maynilad sa may Pureza St sa Maynila.
Ang mga lugar na makakaranas ng water interruption ay sa lungsod ng Manila, Makati, Pasay, Las Piñas, at sa Parañaque.
Ipapatupad ang water service interruption 11am ng umaga ng Biyernes at inaasahang magtatagal ito ng hanggang 11pm ng araw ng Sabado.
Pinag-iingat din ang publiko sa maaaring maranasan na discolorationsa tubig sa oras na maibalik na ang suplay sa tubig.
Tiniyak naman ng Maynilad na kanilang kukumpletuhin ang pagkumpuni sa nasirang water pipeline sa lalong madaling panahon upang maibalik agad ang suplay ng tubig.