-- Advertisements --
image 383

Sinaklolohan ng Coast Guard Station Isabela at Isabela City Disaster Risk Reduction Management Office ang ilang residente sa naturang lugar dahil sa naranasang pagbaha.
Bunsod ito ng walang tigil na ulan dala ng habagat mula pa nitong mga nakaraang araw.
Partikular na inilikas ang ilang residente ng Barangay Baluno, Isabela City, Basilan.
Tinulungan ng mga tauhan ng PCG sa Isabela City at CDRRMO ang mga mamamayan para mailipat sa mas ligtas na lugar.
Bukod dito, nananatiling naka-standby ang PCG, PNP, BFP, CDRRMO at PDRRMO para sa posibleng deployment upang matiyak ang kaayusan at seguridad sa Isabela City.
Binigyan naman ng lokal na pamahalaan ng mga pangunahing pangangailangan ang evacuees, habang hindi pa sila nakakabalik sa kanilang mga tahanan.