-- Advertisements --
Nakataas na ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Maslog, Arteche, San Policarpio, Oras, Dolores, Can-avid, Taft, Sulat, San Julian at Borongan City); eastern portion ng Northern Samar (Lapinig, Gamay, Mapanas, Palapag, Laoang, Catubig at Las Navas).
Inaasahang magdadala ito ng ulan sa malaking parte ng visayas, pati na sa southern Bicol area.
Huling namataan ang sentro ng tropical storm 410 km sa silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Taglay na nito ang lakas ng hangin na 85 kph at may pagbugsong 105 kph.