-- Advertisements --
image 51

Nagdeklara ng suspensiyon ng klase ngayong araw ng Huwebes sa ilang mga lugar dahil sa masamang lagay ng panahon dahil sa low pressure area sa may Samar at isa pang LPA sa may Palawan.

Kabilang sa nagsupendi ng klase ang lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong mga paaralan sa Bicol region partikular sa Albay kabilang ang Guinobatan, Camalig, Legazpicity at Daraga.

Suspendido din ang klase sa lahat ng antas sa private at public schools sa Camarines Sur.

Sa Naga city naman, kinansela ang klase sa pre-school hanggang senior high school.

Sa bahagi naman ng Calabarzon, nagdeklara na rin ng suspensiyon ng klase sa lalawigan ng Laguna partikular sa lahat ng antas sa Bay,Cabuyao,Cavinti ,Famy, Luisiana, Mabitac,Majayjay ,Paete,Pakil ,Pangil ,Santa Maria at Siniloan.

Sa Mimaropa region naman kinansela na rin ang pasok sa mga paaralan maging sa trabaho sa Brooke’s point sa Palawan.

Ayon sa state weather bureau, inaasahang pa ang malakas na buhos ng ulan dala ng low pressure area (LPA) sa Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) region, Bicol region, Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga region at Davao region.

Makakaranas din ng mga pag-ulan dahil naman sa northeast monsoon o amihan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon at Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon)