Nagpaabot na ng tulong ang ilang local government units sa mga evacuees na kasalukuyang namamalagi dito sa Alfonso, Cavite.
Isa na rito sina Bacoor City Mayor Lani Mercado kasama ang kaniyang anak na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.
Dala nila ang ilang tulong para sa mga evacuees tulad na lamang 70 tents, 12 boxes ng meatloaf, corned beef, 2,000 kape, 1,000 bottled water, 1,000 sardinas, at pati na rin 40 kaban ng bigas para ipamahagi sa mga nangangailangan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Lani, sinabi nito na kaagad silang nag-allocate ng pondo matapos humingi ng tulong ni Alfonso Mayor Randy Salamat.
Sinigurado rin nito na patuloy silang mag-aabot ng tulong sa mga nangangailangan at hindi nila isasantabi ang seguridad ng kanilang mamamayan sa Bacoor, Cavite.
Nagdala rin sila ng food truck upanh mamigay ng mainit na sopas na ipamamahagi para sa mga bakwit na patuloy ang pagbuhos sa evacuation center.
Susubukan din umano nila na mamigay ng N95 face masks na kinakailangan ngayon ng mga tao sa bayan ng Alfonso.