-- Advertisements --
Nag-anunsiyo na ang ilang oil companies ng kanilang ipatutupad na rollback bukas.
Unang nag-anunsiyo ang kumpanyang Pilipinas shell na mayoong tapyas sa presyo ng kanilang gasolina na P0.40 kada litro ng gasolina.
Ang kerosene ay mayroon ding rollback na P2.10 kada litro at ang diesel ay P2.15 kada litro ang bawas.
Epektibo na bukas dakong alas-6:00 ang ipatutupad na oil price adjustment.
Asahan namang susunod na mag-anunsiyo ang ibang kumpanyan ng langis sa ipatutupad nilang adjustment sa presyo ng kanilang produktong petrolyo.