Ipinagdiwang ng mga kongresista ang pagkapanalo ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao sa laban kontra American Keith Thurman.
Sa isang statement, binati ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles si Pacquiao sa kanyang pagkakapanalo sa naturang laban.
Pinasalamatan din nito ang tinaguriang “Fighting Senator” dahil sa ipinakita nito ang tunay aniyang mukha ng isang Pilipino na “fierce and compassionate, spiritual and courageous, proud and dignified.”
“The victory of Senator Manny is a demonstration that through hard work, discipline and dedication to one’s craft anything is possible. All throughout the fight, Manny’s experience dominated Thurman’s youth,” dagdag pa nito.
“With Senator Manny’s win, our nation is definitely happy to see him more in the boxing arena. Win or lose, the Filipino people will always be behind him. Win or lose, he will always be an inspiration to all of us,” saad pa ng kongresista.
Samantala, sinabi ni Samar Representative Edgar Mary Sarmiento na ang panalo ni Pacquiao ay patunay lamang na ang hard work, dedication, discipline, experience at pananalig sa Diyos ay paraan para magtagumpay.
Sa kabila aniya ng edad ng Pinoy rinc icon ay iginupo pa rin nito si Thurman sa pamamagitan ng bilis at solidong kombinasyon.