-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Mayroon umanong mga kompanya sa Seoul South Korea ang nagpatupad ng lockdown dahil sa banta ng coronavirus disease(covid) 2019.

Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan, sinabi ni Rona Nerpiol-Lacap, taga Alabel Sarangani Province at ngayo’y isang teacher sa Dwight International School of South Korea, hindi na pinayagan ng kanilang mga employer na lumabas ng factory at establishemento ang mga empleyado kung saan kabilang rito ang mga Filipino.

Ayon kay Lacap, may ini-release na memorandum ang Seoul Metropolitan Government na simula bukas hanggang March 9, 2020 sarado ang mga preschool at kingarten sa mga public schools sa buong region upang makaiwas sa lumalalang kaso ng nasabing virus.

Ang academic year sa mga Korean public schools ang magsisimula sana noong nakalipas pa na dalawang linggo pero dahil sa covid 2019 ay kinansela muna ang pagbubukas ng klase.

Ang sana ay magbubukas na rin na klase sa mga universities sa Seoul ay kinansela na rin dahil sa mabilis na pagkalat ng nasabing sakit.

Nabatid na inilagay na ng South Korea sa pinakamataas na alert dahil sa coronavirus.

Ipinag-utos din ni South Korean President Moon Jae-In , pinakikilos na niya ang mga opisyal ng gobyerno para malabanan ang nasabing outbreak ng COVID-19.

Sinasabing nasa pito na umano ang pumanaw na mga pasyente dahil sa covid-19 at lomobo pa sa 763 ang infected.

Sa ulat naman ng Embahada ng Pilipinas sa South Korea na walang Filipino ang infected sa sakit.