-- Advertisements --
Inanunsiyo ng ilang kompaniya ng langis sa bansa ang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo na ipapatupad simula bukas, Martes, Mayo 16.
Sa magkakahiwalay na advisory, magkakaroon ng umento na P0.35 kada litro sa presyo ng gasolina, P1.40 kada litro naman sa diesel at P1.20 kada litro naman sa kerosene.
Ang pagtaas ng presyo ng petroleum products ay isang buwan din makalipas ang serye ng rollbacks.
Subalit ayon kay Department of Energy (DOE) – Oil Industry Management Bureau director Rino Abad ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay posibleng hanggang sa susunod na linggo lamang.