-- Advertisements --

Inanunsiyo ng mga kompaniya ng langis sa bansa ang roll back sa presyo ng mga produktong petroyo na ipapatupad bukas, araw ng Martes, Abril 25.
Sa magkakahiwalay na advisories ng oil firm, magkakaroon ng tapyas na P1.40 kada litro sa presyo ng gasolina, P0.70 kada litro sa diesel at P0.20 naman sa kada litro ng kerosene.
Ito ang unang rollback matapso ang tatlong linggo sunod na umento sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ipinaliwanag ng Department of Energy na ang oil price hike noong nakalipas na linggo ay dahil sa inflation sa Estados Unidos.
Ayon sa DOE, ang pandaigdigang demand ng gasolina ay tumaas sa 9.10 million bariles kada araw, ito ay 5.5% na pagtaas mula sa parehong period noong 2022.










