-- Advertisements --
Nag-anunsiyo na ang ilang kompaniya ng langis sa paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo simula bukas, Hulyo 11.
Sa Diesel inaasahang magpapatupad ng umento na P0.75/L habang rollback naman na P0.20/L para sa gasolina at P0.50/L na pagtaas naman para sa kerosene.
Inaasahang maga-anunsiyo din ng kaparehong price adjustment ang iba pang mga kompaniya ng langis ngayong araw na ipapatupad naman bukas, araw ng Martes.
Ang pagtaas sa presyo ng ilang petroleum products ay bunsod ng developments sa ibang bansa gaya ng nakaambang pagtapyas ng oil output ng Saudi Arabia habang ang rollback naman ay dulot ng pagbabago sa monetary policy.