-- Advertisements --
Ilang katao ang inaresto ng mga kapulisan sa Sweden matapos ang natagpuang pampasabog sa isang parke ng Stockholm.
Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye nag mga kapulisan at kung sino ang target ng nasabing bomba.
Ayon sa Stockholm police na mula pa noong nakaraang mga linggo ay kanilang hinigpitan ang seguridad dahil sa nalalapit ang halalan.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa mga naarestong indibidwal.