-- Advertisements --

Ilang katao ang ang pinaniniwalaag nasawi matapos ang naganap na pagsabog sa dalawang military airfields sa Russia.

Isang fuel tanker ang sumabog na ikinasawi ng anim katao sa airfield na malapit sa lungsod ng Ryazan sa south-east ng Moscow.

Dalawa pang mga katao ang nasugatan sa pagsabog din sa airfield sa Saratov region.

Hindi pa malaman ng mga otoridad ang ano ang sanhi ng nasabing pagsabog.

Ipinag-utos na ng Saratov regional governor ang malalimang imbestigasyon sa nasabing insidente.